World War 2:


Ang tulang pinamagatang “The Forgotten Soldier” na isinulat ni E.L. Mayo, para sa akin ay nagpatungkol sa World War 2. Isang patunayan na malaking posibilidad na patungkol ito sa world war 2 ay ang taon na isinulat ito ( 1942 ). Para sa akin ang tulang ito ay nagsasabi ng kahirapan sa isang sundalo sa oras ng malalaking laban katulad ng World War 2. Ang linyang “The delicate partnership of hand and gun” ay nagsasabi na ito talaga ay sa oras ng labanan dahil ang mga kamay ng mga sundalo ay humahawak ng mga baril. Ang linyang ” And have vbeen left for dead” ay nagsasabi na maraming namamatay sa labanan at sa tingin ko ay ang nagsusulat nito ay isang sundalo rin kaya’t hindi na siya umaasa na aabot pa siya sa wakas ng labanan. Dahil sa araw-araw niyang pag saksi sa mga kamatayan ng kaniyang mga kasama sa labanan, alam na niyang susunod din siya, kaya’t sumulat siya ng tula na ito para ma mapahalagan ang mga sundalo na lumaban para sa ating kapayapaan na meron tayo ngayon. Ang linyang “Since hunger taught us wit: we know war to the bone.” ay nagpapahayag na lala ang paghihirap sa labanan at hindi madali ang lumalaban ng ibang bansa. Ang dalawang huling linya “But of peace that follows after it. We do not know and have not ever known.” para sa akin ay ito ang pinaka malaking impact sa akin dahil napagtanto ko na ang pagiging isang sundalo ay mahirap at kailangan natin silang respetohin at pahalagahan dahil ipinanganib nila ang kanilang buhay para sa kapayapaan meron tayo ngayon. Nagsasabi rin ito na may mga sundalo na karapat-dapat maramdaman ang mapayapang kapaligiran ngunit hindi nila ito nakita dahil kung hindi sila nagpakamatay para sa kapayapaan walang kapayapaan ang magagawa kaya’t pasalamatan natin sila!
-Cris Koppin
Welcome to my blog!
You will find my song reviews in this page. “Without music, life would be a mistake” ― Friedrich Nietzsche.
Follow My Blog
Get new content delivered directly to your inbox.
