Song review #1

Balang Araw – I Belong to the Zoo

Listen to the song here.

.

Ang interpretasyon ko sa kanta:

Ang kantang Balang Araw by I Belong the Zoo ay na aliw ako sa mensahe ng kanta dahil lahat naman tayo siguro nag mahal at sa ilang punto sa ating buhay ay nagmahal tayo ng sobra ngunit hindi nasuklian. Tuwing naririnig ko ang kantang ito ay may na aalala akong mga nangyari sa nakaraan na ayaw kong alahanin. Merong live video video nito at sa umpisa sinabi ni Argee Guerrero ( lead vocalist ng I Belong to the Zoo ) na itong kantang ito ay “para sa mga nagmamahal ng lubos ngunit hindi sila pinipili.”

Nagustohan ko itong kanta na ito dahil bukod sa genre ay ang mensahe ng kantang ito. Bukod rin dito fan ako ng I Belong to the Zoo lagi kong pinapakinggan kapag ang vibe ko ngayon ay “ema” dahil ang mga kanta nila ay para sa mga sawi. Para sa akin ay ang kantang ito ay nagpatungkol sa pag-ibig na isang panig lang o kaya’t ang isa lang ang nakagusto dahil kaibigan lang ang turin ng kabilang parte. Sa lyrics na “naghihintay ng mayro’n sa gitna ng kawalan” sa paningin ko ay nagsasabi ito na umaasa siya kahit halata at alam niyang malabo itong mangyari, nagsasabi ito sa kaniyang sitwasyon na nafriendzone siya. Sa linyang “hindi ko lang masabi, ayoko na sa’yo. Tao lang napapagod din, kaso di’ ko magawang lumayo.” Nagsasabi ito na kahit na pagod na siyang maging tanga pero hindi niya kayang lumayo para sa sarili niya dahil mahal na mahal niya ang tao. Ang linyang “Tangina, ba’t ba walang mali sa’yo” ay nagsasabi na para sa kan’ya ay perpekto na siya o kaya’t sa mga mata niya ay siya ay isang anghel. Sinabi rin sa kanta na “sawang-sawa na akong marinig na ako’y kaibigan lang” sinabi ito sa huling verse at nagpapatunay ito sa sinabi ko na nafriendzone talaga siya at pagod na siya ngunit hindi niya kayang lumayo.

-Cris Koppin

Design a site like this with WordPress.com
Get started